Thursday, January 13, 2011

Magboblog Din Kaya si Jose Rizal Kung Buhay Siya Ngayon?

Jose Rizal

Kilala si Dr. Jose Rizal na isa sa mga pinakamahuhusay na manunulat sa buong mundo noong kapanahunan n'ya. Siyempre, patunay diyan ang mga nobela n'ya na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Nariyan pa ang di mabilang na mga tula, sanaysay, anekdota, awit, at kung anu ano pa. Sayang dahil hindi natin siya naabutang buhay.

Sa makabagong panahon na nauuso ang blogging at social networking, sigurado na makikijoin si Rizal d'yan. Hindi siya pahuhuli sa pagsulat ng mga kapaki pakinabang na katha sa kanyang sites, at magkocomment din siya sa iba't ibang postings ng mga bloggers.


Kikita kaya s'ya sa pagboblog?

Ang sagot d'yan ay "malamang”. Dahil nga kilala siya sa buong mundo dahil sa kanyang mga nagawa, maraming magbabasa ng kanyang mga postings. Maraming magpafollow sa kanya sa “Google follow” at maraming maglilink sa kanya na mga sites na may matataas na page ranks. Wow, e di kung ganoon e posibleng maging isa siya sa pinakamalalaking kumita na blogger sa Pilipinas, adsense, adbrite, entrecard, amazon.com at kung anu ano pa. Posible na madadaig pa niya kumita ang mga mangangalakal na intsik noong panahon n'ya..

E ano naman kaya ang isusulat niya tungkol sa mga bagay bagay sa Pilipinas?

  1. Naku siguradong lagot si dating Pangulong Arroyo dahil sermon ang aabutin niya kay Rizal dahil sa dami ng nagawang katiwalian ng kanyang administrasyon. Ihahalintulad siya sa nga corrupt na Gobernador-heneral at mga prayle noong kapanahunan nya. Baka hindi pa siya iLike ni Rizal sa facebook.
  2. Hindi na maninibago si Rizal sa mga gago at manyak na pulis na sa halip na humuli ng kriminal e sila pa ang gumagawa ng krimen sa kanilang presinto pa mismo. Ginawa na kasi yan ng mga gwardya sibil noong panahon n'ya. Ngunit hindi pa rin sila makaliligtas sa talim ng panulat ni Rizal. Sa totoo lang, dahil sa dami ng kademonyohang ginagawa ng ilang pulis sa ating lipunan, lagot ang PNP chief dahil baka s'ya na ang susunod na maging inspirasyon ni Rizal na gawing karakter bilang isa sa mga kontrabida sa susunod niyang nobela.
  3. Magtataka siya dahil may mga pari pa pala na katulad nina Padre Damaso, Sibyla, at Salvi na mahilig makialam sa gobyerno tulad ng isyu sa paggamit ng contraceptives at family planning (RH Bill).
  4. Masyado nang maraming tao sa Pilipinas kaya hindi na hindi na applicable yung “Humayo kayo at magpakarami”. Kaya sinabi ng Diyos 'yon dati e dahil kakaunti ang tao sa mundo. We have to consider the time nung inutos 'yon. May pogi points kay Rizal si Pope Benedict xvi at ihahalintulad siya kay Padre Florentino ng “FILI”
  5. Magpapasalamat siya sa mga kongresistang nagbigay ng pangalang “Rizal St.” sa maraming mga kalye sa Pilipinas.
  6. Pipiliin niyang maging “kapatid” dahil sawa na siya sa awayang “kapamilya” at “kapuso”.
  7. Magpopost siya sa blog ng recipe ng tinolang manok na may upo na recipe sa bahay ni Kapitan Tiyago.
  8. Gagamit siya ng jejemon at gay lingo sa blog bilang dagdag sa collection ng language sa memory bank n'ya.

Magdagdag pa kayo mga folks.

Photo credit: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_Rizal

11 comments:

  1. hay naku wala talaga pagbabago nangyari sa pinas from spanish time, to marcos time to eraps time.

    andiyan pa rin ang corruption parang wala ng pagasa sa pinas

    baka tumira na lang sa abroad si jose rizal if ever buhay siya ngayon

    ReplyDelete
  2. haha...LOL...Oo nga ano? Sa palagay ko... magiging top blogger nang kasaysayan si Rizal kung buhay lang siya at masuwerte siya dahil kahit anong gawin pa niyang batikus sa gobyerno ay hinding-hindi siya mahahatulan nang kamatayan...

    ReplyDelete
  3. haha may point ka dyan hard2getxxx!

    ReplyDelete
  4. Haha! Ang kulit nung No. 8. Haha!

    Dumaan at nag follow. Looking forward to read more from you. :)

    ReplyDelete
  5. ahaha natuwa naman ako dito....
    anu kaya ang magiging pen name nya sa blog at anu ang gagamitin nyang avatar....
    magboblog hop din siguro sya at sumalap ng maraming backlinks...
    makikiexchange links din haha

    ReplyDelete
  6. malamang yung title ng blog nya Noli Fili
    hahaha

    ReplyDelete
  7. hahahhaha baka si Rizal ang super duper dami ng blog...cguro na bubuhay na lang si rizal sa pagbablog kay sa magtrabaho s goberno na kunti lang sahud

    ReplyDelete
  8. Haha! nakakatuwa. Thanks bluedreamer27, Roy and bbtoo.

    ReplyDelete
  9. ..kung buhay pa si doc hero..kahit dami ng ngyayari..kahit more corruptions..for sure he would never leave us..nagawa nga nya ung ibuwis ang buhay nya..iwan pa kya tyo?..e mahilg nga sya magsulat..blogger na tlaga un..cool #6..haha..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails

Infolinks In Text Ads