Jose Rizal
Kilala si Dr. Jose Rizal na isa sa mga pinakamahuhusay na manunulat sa buong mundo noong kapanahunan n'ya. Siyempre, patunay diyan ang mga nobela n'ya na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Nariyan pa ang di mabilang na mga tula, sanaysay, anekdota, awit, at kung anu ano pa. Sayang dahil hindi natin siya naabutang buhay.
Sa makabagong panahon na nauuso ang blogging at social networking, sigurado na makikijoin si Rizal d'yan. Hindi siya pahuhuli sa pagsulat ng mga kapaki pakinabang na katha sa kanyang sites, at magkocomment din siya sa iba't ibang postings ng mga bloggers.
Kikita kaya s'ya sa pagboblog?
Ang sagot d'yan ay "malamang”. Dahil nga kilala siya sa buong mundo dahil sa kanyang mga nagawa, maraming magbabasa ng kanyang mga postings. Maraming magpafollow sa kanya sa “Google follow” at maraming maglilink sa kanya na mga sites na may matataas na page ranks. Wow, e di kung ganoon e posibleng maging isa siya sa pinakamalalaking kumita na blogger sa Pilipinas, adsense, adbrite, entrecard, amazon.com at kung anu ano pa. Posible na madadaig pa niya kumita ang mga mangangalakal na intsik noong panahon n'ya..
E ano naman kaya ang isusulat niya tungkol sa mga bagay bagay sa Pilipinas?
- Naku siguradong lagot si dating Pangulong Arroyo dahil sermon ang aabutin niya kay Rizal dahil sa dami ng nagawang katiwalian ng kanyang administrasyon. Ihahalintulad siya sa nga corrupt na Gobernador-heneral at mga prayle noong kapanahunan nya. Baka hindi pa siya iLike ni Rizal sa facebook.
- Hindi na maninibago si Rizal sa mga gago at manyak na pulis na sa halip na humuli ng kriminal e sila pa ang gumagawa ng krimen sa kanilang presinto pa mismo. Ginawa na kasi yan ng mga gwardya sibil noong panahon n'ya. Ngunit hindi pa rin sila makaliligtas sa talim ng panulat ni Rizal. Sa totoo lang, dahil sa dami ng kademonyohang ginagawa ng ilang pulis sa ating lipunan, lagot ang PNP chief dahil baka s'ya na ang susunod na maging inspirasyon ni Rizal na gawing karakter bilang isa sa mga kontrabida sa susunod niyang nobela.
- Magtataka siya dahil may mga pari pa pala na katulad nina Padre Damaso, Sibyla, at Salvi na mahilig makialam sa gobyerno tulad ng isyu sa paggamit ng contraceptives at family planning (RH Bill).
- Masyado nang maraming tao sa Pilipinas kaya hindi na hindi na applicable yung “Humayo kayo at magpakarami”. Kaya sinabi ng Diyos 'yon dati e dahil kakaunti ang tao sa mundo. We have to consider the time nung inutos 'yon. May pogi points kay Rizal si Pope Benedict xvi at ihahalintulad siya kay Padre Florentino ng “FILI”
- Magpapasalamat siya sa mga kongresistang nagbigay ng pangalang “Rizal St.” sa maraming mga kalye sa Pilipinas.
- Pipiliin niyang maging “kapatid” dahil sawa na siya sa awayang “kapamilya” at “kapuso”.
- Magpopost siya sa blog ng recipe ng tinolang manok na may upo na recipe sa bahay ni Kapitan Tiyago.
- Gagamit siya ng jejemon at gay lingo sa blog bilang dagdag sa collection ng language sa memory bank n'ya.
Magdagdag pa kayo mga folks.
Photo credit: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_Rizal